10 uri ng dahilan kung bakit hindi nagtatagal ang relasyon ng magkasintahan

10 uri ng dahilan kung bakit hindi nagtatagal ang relasyon ng magkasintahan 


1. MISUNDERSTANDING- dito kayo palaging nag aaway at nagkakainisan at kahit maliit na bagay ang inyong pinag aawayan , imbis na pagusapan ay papairalin nyo ang inyong pride at sasabihin nyo sa isat- isa na wag mo na kayong mag usap . 




2. PALAGING TAMPUHAN -  Sa araw- araw niyong pag-aaway yung isa sa inyo masyadong maarte, at magtatampo . kapag sinuyo na lalo pang mag iinarte . kaya minsan nawawalan na ng gana yung isa manuyo . 



3. THIRD PARTY - Ito yung kapag magkaaway kayo, yung isa hahanap ng ibang kalandian o magkocomfort sa kanya para maging okay siya . 



4. DISTANCE - Masyadong malayo sa isat-isa bihira na nga kayo magkita , bihira pa kayongmag uusap wala na kayong masyadong lambingan sa isat - isa kaya ang ending nag aaway at naghihiwalay nalang . 



5 . PRIDE - Ito yung walang magbababa sa inyong dalawa ng pride walang manunuyo , walang gagawin yung isa sa inyo para magkaayos kayo . 



6. WALANG TIME - Yung tipong mas inuuna mo yung walang kwentang bagay kaysa bigyan ng oras yung mahal mo para mapasaya mo . pero mas doon binibigay yung oras mo sa wlang bagay na wala namang patutunguhan . 



7. LONG DISTANCE RELATIONSHIP (LDR ) - Yung habang tumatagal na hindi kayo nagkakasama mas lalo lang kayong nanlalamig sa isat - isa dahil wla kayong magawa kung hindi maghinatay nalang kung kailan ulit kayo magkakasama pero dahil sa tagal na bigla nalang kayo magsasawa at hindi na magpaparamdam . 




8 . SELOS - Selos na mahirap pigilan , eto yung madalas maging dahilan kung bakit naghihiwalay ang magkasintahan dahil sa selos kaya kayo palaging nag- aaway konting dikit lang ng ibang tao ay selos na agad pinapairal nyo .




9. SOBRANG DRAMA - Yung tipopng kapag nag aaway kayo , sobra kung magdrama minsan o.a na kaya lalon humahaba ang hindi ninyo pagkakaunawaan . 




10. HINDI MAKUNTENTO - Yung kahit sobrang mahal ka niya nagagawa parin niyang maghanap ng iba, yung tipong pagsasabayin pa kayong dalawa .tapos kapag nalaman mo mag aaaway kayo tapos iiwan mo siya,  kapag naghiwalay na  kayo , may pangreserba pa sya. 




Ito lang mga halimbawa ng mga dahilan kung bakit hindi nagtatagal ang relasyon ng magkasintahan pero sana sa mga dahilan na ito may natutunan tayo . natutunan lang pala walang tayo . na sana ang mga dahilan na ito may maiwasan natin upang huwag humantong sa paghihiwalay . 

Mga Komento